Tuesday, December 30, 2008

Panira ng Pangako

Alam ng mga taong malapit sa akin na sinusumpa ko ang mga hindi tumutupad ng pangako. Level 2 kong sinusumpa ang mga taong hindi nila alam na hindi sila tumutupad ng pangako. At sukdulan naman ang hinanakit ko sa mga taong nagkukunwaring hindi nila alam na hindi sila tumutupad ng pangako.

Ano ba ang sanhi ng pagbibitiw ng pangako ng tao?

Simple lang. Upang maka-please ng kausap. Kasi kapag hindi ka nangako, mag-aalangan ang tao sayo.

Ako, palagi ako nagpapakatotoo. Kapag nangako ako, tutuparin ko. Kapag ayaw ko ang bagay na gustong ipapangako sa akin, hindi ako mangangako. Kapag nangako ako at along the way, napagtanto kong hindi ko kayang tuparin, sasabihin ko kaagad at kung ano ang dahilan.

Ang dami-daming halimbawa ng paninira ng pangako.

Filipino Time. Ang pag-oo sa itinakdang call time ngunit darating ng lampas tatlumpung minuto na walang pasabi. Insensitive ang mga taong mahilig mahuli sa fact na nakakapagod maghintay. Nakaka-oily ng face. Mas nakakamuhi ang mga taong kapag tinanong mo sa text kung saan na, sasabihin na malapit na, o 5 minutes na lang, para lang mapahinga ang galit mo, pero sa totoo, paalis pa lang sila ng bahay.

Paglalahad ng Prinsipyo. Minsan, ang hilig nating magbitiw ng mga mabibigat na prinsipyo. Na kahit anong mangyari paninindigan natin ang ganito. Pati simpleng paniniwala sa turo ni Rizal o ni Kristo o ni Siddharta o kung sino pa iyan, pero hindi pina-practice ang turo, considered sa akin iyon biglang paninira ng pangako.

Ako, maprinsipyo akong tao. Kung titignan mo ang kanang braso ko, may mga peklat. Emo ba ako? Hindi. Kaya kong parusahan ang sarili ko kapag nilalabag ko ang prinsipyo ko. Hindi emo iyon. Nagkataon lang na kagaya siya ng istilo ng mga emo. Kung gusto mong malaman kung ano ang sanhi ng pag-ano ko sa sarili ko, kilalanin mo muna ako ng mabuti.

Pag-ako ng Toka. Ito ang pinakamahirap. Halimbawa may groupwork. At mag-aako ka ng trabaho para magmukha kang may silbi. Pero at the end of the day, hindi mo gagawin, dulot ng iba't ibang bagay. Ako, okey lang sa akin kung ang groupmate ay biglang may ibang commitment, rendering him incapable of doing his task. Pero sana naman siya na ang maghanap ng paraan kung paano niya sosolusyonan iyon. Kaysa sa iiwan mo na lang ang problema sa grupo, habang ikaw ay, malamang, nagwi-window shopping lang kasama ng iyong honeybunch.

Ikaw, naninira ka ba ng pangako?

Monday, December 29, 2008

Kinabukasan pre, kinabukasan

Parehong nakakatuwa at nakakalungkot isipin na nandirito ako ngayon sa katayuan kong ito. Parang lalo kong mas nare-realize ang Butterfly Effect na tinatawag nila.

Pag-isipan mo: kung pinanganak akong, halimbawa, guwapo, maaaring iba ang pinili kong daan at iba ang career ko ngayon. Kung nagkahiwalay ang mga magulang ko noong bata ako, iba siguro ang trabaho ko ngayon. Kung hindi malabo ang mga mata ko noong bata, marahil iba ako ngayon.

Mas paliitin pa natin ang detalye. Naisip mo na bang for example, naglalakad ka sa daan... Habang naglalakad ka, may nakita kang askal na kulay brown, na nagpaalala sayo sa isang asong nakita mo sa TV na kapangalan ng isang sikat na TV host noong 1995? At dahil sa kapiranggot na ala-alang iyon, maaaring na-inspire kang maging TV host din, kaya maraming porsyento ng buhay mo, dinedicate mo para piliting maabot ang mithiing iyon?

At sabihin na nating naabot mo nga. Nakaka-overwhelm isipin ang posibilidad na, paano kung noong naglalakad ka sa daan, hindi mo nakita yung brown na askal? Instead, napabaling ang ulo mo ng kaunting degrees papunta sa kaliwa, at ang nafocusan ng mata mo sa loob ng kakaunting segundo ay isang basurahan, at naisip mo, wala lang. Pag-uwi mo ganoon din ang buhay. Ipagpapatuloy mo pa rin ang utos sayo ng mga magulang mo na dapat sa loob ng limang taon, stable ka na financially.

Di ko alam sa ibang tao, pero ako, sa wika naming mga Kapampangan, mababana ku; o kaya, maniglo ku. Na-a-amaze ako. Naglalaway ang utak ko at napapangiting mag-isa paminsan.

Naiisip ko na what if ibang section ako noong Grade 6? Ibang tao ang mga nakaklase ko, iba ang naging timpla ng mga relasyon, iba ang mga impluwensiyang nakuha ko sa paligid ko. May malaking kaibahan kaya sa buhay ko ngayon kung sakaling iyon ang nangyari?

Bawat taong nakakasalamuha ko, minsan iniisip ko na ng advance -- ano kaya ang gagampanan mong role sa buhay ko? At ano naman ang role ko sa buhay mo?

Minsan nga, kahit hindi mo kakilala. Nakita mo lang sa daan. Ang guwapo niya. Ang ganda ng katawan. Na-insecure ka. Kaya pagkauwi mo, sinabi mo sa sarili mo: gusto kong mag-gym at maging vain. At simula noon, nagbago ang takbo ng buhay mo. At ngayon, model ka na.

At nung model ka na, napanood mo ang isang 3-minute indie film ng isang di mo kilala sa YouTube, kasi andun siya sa Related Videos nung pinanood mong preview ng isang porn site, at bigla kang nagkainteres sa filmmaking. Simula noon, nagbago ang takbo ng buhay mo.

Naniniwala ka ba sa kapalaran? Na ang mga taong nakakasalamuha mo ay mga taong nakatakdang matagpuan mo? Ang sarap paniwalaing oo, nakatakda, pero paano kung hindi?

Sa mga nakabasa nito, isipin niyo: maaari kayang iba ang magiging kinabukasan niyo kung hindi niyo nabasa ito?

Thursday, June 19, 2008

Dyugdyog o Bugbog?

Sex o suntok?

Jakol o jombag?


Ano ang mas nakakapinsala sa lipunan? Ang malaman ng mga tao kung paano makipag-sex, o ang mabatid ng mga tao kung paano bugbugin ang iba?

Siyempre, ang pambubugbog! Violence iyon, at ano mang uri ng violence ay nakagigimbal. Ngunit bakit mas ipinagbabawal pa ang mga sexy at may pagkamalaswang eksena imbes na ipagbawal ang pagpapakita ng karahasan sa media?


Ngunit, kung mayroon talagang dapat i-censor sa kahit anong uri ng media, ayon nga sa isa kong guro sa UP, ito ay ang kabobohan at kagaguhan.

Stupidity. (bigkasing is-choo-pee-di-tee)

Nakakapinsala ito sa indibidwal, sa kaniyang pamilya, sa lipunang kaniyang ginagawalan. Kabobohan ang isang malaking dahilan kung bakit ang hirap makaahon ng Pilipino sa lugmok ng blah blah blah. Kapurulan ng pag-iisip ang isang sanhi ng blah blah blah.

Tiyak ko alam niyo na kung ano yung mga blah na iyon, nakakairita nang ulit-ulitin.

At hindi porke nakatapos ka ng pag-aaral hindi ka na bobo. Maraming "wala lang" na tao ang nakatapos ng pag-aaral. Mga "normal" na tao. Mga taong pumapasok dahil sabi ni Nanay at ni Charice Pempengco ayusin ang pag-aaral at dapat mataas ang grades.

Mga taong hanggang pakikinig lamang ng musika ang kaya. Ayaw subukang gumawa ng sariling musika.

Mga taong sumasama sa usong sayaw. Hindi kayang mag-isip ng sariling sayaw.

Mga taong hinahapagan lamang ng pagkain. Takot magluto ng sariling putahi.

Kung di mo gets iyon, at di mo inusisa kung ano ang ibig sabihin, ikaw ay dapat i-censor sa kalawakan.

Kung itatanong mo (kahit self-inquiry lang ba), aprub ka!


Kaya kung sa tingin niyo maayos ang sistema ng censorship dito sa Pilipinas, kung saan bawal ipakita ang utong pero okey lang na ipakita ang pagsasaboy ng asido sa mukha ni Tanya Garcia sa "Sana Ay Ikaw Na Nga," aba'y think again!


Trivia: si Tanya Garcia ang gumanap na Paloma sa fantaserye, este telefantasyang Mulawin. Nagiging kalapati siya doon.

Thursday, June 12, 2008

Kung Ako Ikaw: Callboy Edition (Part 2)

May bahagi ng salaysay na ito ang piksyon. Aling bahagi? Maselang bahagi... AKA secreeeet! Hehehe. (Disclose ko pag may terminal illness na ako -- malamang lung cancer kakayosi?)

Karugtong ito ng nakaraang entry.

Nagdatingan isa-isa ang iba pang mga callboy. Iba't ibang hugis at laki. May medyo malaking katawan na mahaba-haba ang buhok (parang Jay ng Cueshe, pero less irritating), na tawagin natin sa pangalang Jay para masaya.

May isang maputing singkit--ang, malamang, pinakaguwapo sa kanilang lahat--na may Bikol na tono kapag nagta-Tagalog. Bikolboy ang ipalayaw natin sa kaniya.

May isang kayumangging semikalbong lalaki na nakaputing baro, itim na kupya, at maong na pantalon. Siya naman siguro ang may pinaka-athletic na built. Dahil doon, ang itawag sa kaniya ay Manny (maikli ng 'manlalaro' hehehe).

At ang huling dumating ay malamang ang matatawag kong alpha male sa grupo, hindi dahil siya ang pinakamakisig o ano, kundi dahil siya ang parang expert sa kanilang lahat, ang pinakamaalam sa sistema, sa istratehiya, atbp.

Siya rin ang pinakamayabang, maangas, parang yung mga tipikal na bully noong elementarya. Malaki ang tiyan, hindi pantay-pantay ang ngipin, basta pangit -- di mo iisipin na masisikmura niyang mag-callboy. Mapapaisip ka, may pumi-pick up ba nito?! Binyagan siya sa pangalang: Tootdy (shortcut ng 'tooth decay').

Ipinakilala ako ng una kong nakilala -- tawagin natin siyang Pizza, dahil pizza-faced siya -- sa grupo, at sinabing bago pa lang ako.

Si Tootdy ang kaagad pumuna sa akin. "Ano iyan?!" tanong niya kaagad. Sinabihan niya ako na huwag daw mag-jacket-jacket, mas maganda daw kapag hindi balot na balot kapag dumi-display para mas makita ng mga shopper ang katawan.

Habang naghihintay, nagkuwentuhan sila. Magkakakilala na sila at parang nagre-reunion sa pag-update ng kani-kanilang buhay.

Si Bikolboy, kinuwento niya noong may dayong bakla na isinama siya sa Palawan ng isang linggo. Libre transpo, libre lodging, libre food (kapalit ng sssshhh). Ang bayad sa kaniya? P6,000.

Si Jay naman, "Kilala niyo ba yung tiga-Balara na matandang dalaga? Mataas magbayad iyon. Tapos siya lang mag-isa sa bahay. Patutulugin ka pa sa kanila." Tapos biglang nag-ring ang cellphone niya. Pagkasagot niya, si Misis. Inuusisa kung nasaan na siya. "Nag-iinuman lang kami ng mga kaibigan ko," sabi niya. May patalak pang tanong ang babae nang biglang, "Bee, sensya na, hindi kita marinig. Pa-low batt na ko. Kita na lang tayo bukas," sabay patay ng telepono.

Bilang mananaliksik in disguise, nilapitan ko si Jay at kinapanayam habang naggagaguhan yung iba (nagsisipaan ng alak-alakan). "Bakit ka gumaganito?" tanong ko.

"Mahina kita sa pagtatrabaho sa supermarket e. Kukulangin sa gastusin kay baby," tugon ni Jay. "Ikaw?" tanong niyang bigla.

Sabi ko estudyante pa ako at kailangan ko ng pang-matrikula.

"Saan ka napasok?"

"UP Diliman," wika ko.
Biglang may matulin na kotse ang nakitang parating ni Tootdy, kaya sila lahat, parang mga nagmamadaling gustong sumakay ng bus. Humilera sila na parang nag-aabang ng Pasay-Cubao sa terminal ng San Fernando. Pagkadaan ng sasakyan, puro mga lalaking rakista ang nasa loob! At pinagpapakyu kame habang tinatawanan. "Putang-ina niyo!" sabi nila.

Lahat ng mga kasama ko naman nagalit. "Mga putang-ina niyo rin!" sigaw nila.

Pumulot ng mga malalaking bato -- mga wasak na bahagi ng semento -- si Tootdy at rinasyon sa amin. Kapag dumaan ulit batuhin daw namin ang mga puki-ng-ina. Kalaunan, nainip din kami lahat at binitawan ang mga bato.

Kung may makakita kaya sa akin na kakilala ko?! Malabo siguro. Pero sakali lang naman, maiintindihan naman nila ang ginagawa ko. Reputasyon ko ang pagkawirdo (maliban sa matalino hehe) at mage-gets nila ang ginagawa kong "immersion."

to be continude, este continued...

Wednesday, June 11, 2008

Kung Ako Ikaw: Callboy Edition (Part 1)

May bahagi ng salaysay na ito ang piksyon. Aling bahagi? Maselang bahagi... AKA secreeeet! Hehehe. (Disclose ko pag may terminal illness na ako -- malamang lung cancer kakayosi?)

Siguro sa nakaraang buhay ko, dolphin ako. Kasi sa Kingdom Animalia daw, tanging mga tao at dolphin lamang ang may kakayahan na ilagay ang sarili sa sapatos (perspektibo) ng iba. Koneksyon? Wala lang. Pero at least may natutunan ka tungkol sa mga dolphin.

Brought to you by Lagsh.

Ngayon, may tanong ako.

Nasubukan mo na bang mag-callboy ng kahit isang gabi lang? Hindi magrenta ng callboy ah. Yung tatambay ka sa kalye sa kalagitnaan ng gabi at maghihintay ng sasakyan o indibidwal na darating para yayain kang "gumimik" kapalit ng salapi?

Ako, oo. Hindi dahil kailangan ko ng pera. Kundi dahil ganoon ako ka-adventure na manunulat. Naghahanap kasi ako ng material noon para makapagsulat ng stage musical, kung saan ang setting ay isang waiting shed. Kapag gabi sa kuwento, ang mga tauhan ay mga kalye prosti na nagpapa-pickup sa shed.

Gamit ang aking Cosmic Copulation Principle, kailangan kong "makipagtalik" sa isang pangyayari upang makapagsilang ako ng bagong likha, o kaya nama'y upang madisenyuhan ng makatotohanang detalye ang aking obra.
Ba't di na lang ako makipanayam sa isang callboy, ika niyo? Iba pa rin kapag ikaw ang sumubok. Parang tinanong mo na rin ang prodyuser ng palabas na Interns o kaya Kung Ako Ikaw, "Bakit hindi na lang kayo mag-interview ng mga aktwal na trabahador sa kung ano man iyan, kaysa pinapa-immerse niyo pa ang mga hinayupak na artistang mga iyan?"

Mahilig kasi ako sa showbiz e. Puwedeng gamitin upang manipulahin ang pag-iisip ng madla (world domination kasi ang long-term goal ko).

Bilang estudyante sa UP Diliman (na palaging gabi kung umuwi, galing ng The Block, dulot ng global warming sa tinutuluyan ko), palagi kong nakikita itong mga callboy na nakatambay doon sa may papasok ng UP Village (tabi ng National Housing).

At naisip ko, paano kaya ang buhay ng mga letseng iyon?

Pogi pa noon ako (di tulad ngayon), kaya may lakas loob akong subukan ng isang gabi ang buhay callboy. So naligo ako, nagbihis, nagpapogi, nag-stick up ng buhok, nagsuot ng itim na baro, at sinuot ang kulay abo kong jacket. Pumunta ako dun sa waiting shed ng National Housing. Hindi ako nagdala ng cellphone o ng maraming pera (isang daan lang ang dinala ko), for safety purposes. Mahirap na.


May nadatnan akong isang callboy. Obvious sa gayak -- naka-itim na sando atsaka jeans. Simple lang. Parang boy ng isang boy-next-door ang mukha, di naman kagandahan ang katawan.

Nagkatinginan kami. Ang kakaiba sa tingin ng mga callboy, parang may mensahe kaagad. Telepathic at piercing ang tingin.

At dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Nagtanong ng oras. Sabi ko di ko alam, kasi wala akong orasan. Tinanong niya ako kung gusto kong gumimik. Akala niya pini-pick up ko siya! Kaya dineretso ko siya.

"Pare, first time kong mag-callboy."

to be continude, este continued...

Monday, June 9, 2008

Paladyakol o Palaromansa?

Katulad ng pag-aararo ng bukid, ang paglikha ng sining ay tunay na isang sex act. Ngunit kagaya sa sex, maaaring magkaroon ng inequality sa kasarapan. Yung tipo bang yung isa lang ang may effort at nanenerbis habang ang isa ay nakahiga lang at nagpapasarap.

Sa isang e-group ng mga Kapampangang alagad ng sining, napataas ko ang kilay at presyon ng iilan nang gawin nila akong "Artist of the Month." Doon kasi sa Artist's Statement ko, ang inilagay ko ay:

There are two types of artists: those who make love with their audience, and those who merely masturbate in front of them.

Riot! Siyempre marami akong tatamaan. Marami kasing artist, art for art's sake ang kanilang layunin sa paglikha. Ang art naman para sa akin ay isang instrumento para makapagpadala ng mensahe sa lipunan sa kadahilanang may gusto akong baguhin. May social function kumbaga.

Paano papansinin ng karamihan ng mga tao ang gawa ko kung sobrang artsy at obscure ng gawa ko? Sa larangan ng literatura, kung sobrang hebigats ng aking pananalita at sobrang seryoso ng aking approach?

Kung iyon ang mga type kong approach, not taking into account yung literasya ng aking mga mambabasa at ang interes nila, tila nagdyadyakol lamang ako noon. Nagpapasarap, habang hinahayaan ang mga interesado na panoorin ako kung gusto nila. Yung gustong manggalaw naman sa akin, puwede siguro, pero di ako magre-reciprocate.


Sining bilang lovemaking -- easy to read, interesting, entertaining, at kahit patago siguro, educational. Noong kolumnista pa ako sa Peyups.com, ito ang gumagabay na prinsipyo sa aking pagsusulat. At sa mga proyekto ko para sa Kapampangan ngayon, ito rin ang palagi kong isinasaisip.


Ngunit bakit ang mga artist na tine-take into account ang kagustuhan ng mga tao, sila ang binibigyan ng masamang imahe sa daigdig ng sining? Mga sellout. Mga "pokpok" ng sining. Mga "commercialized" at iba pa. Kadalasan pa nga, hindi sila tinatawag na artist!

Di ba hindi patas?

Sunday, June 8, 2008

Cosmic Copulation at ang Manunulat

Malibog akong tao. Green-minded. Sa wika naming mga Kapampangan, malibi. Kahit tinapay, kaya kong bigyan ng kahulugan na siguradong ise-censor ni Laguardia.

Sex, sex, sex!!! Sex is everywhere!

Pinapaniwalaan kong ang lahat ng bagay ay nagdyudyugdyugan. Ito ang nagpapasulong sa daloy ng kapalaran, ang nagpapaikot ng mundo, ang nagpapaprogreso ng buhay, at iba pa. Cosmic Copulation, sabi ko nga.

Sa lahat ng sitwasyon, may male na nanghihimasok sa teritoryo ng female upang lamnan ito ng kuwan. Sa prosesong ito, may nalilikhang bagong kuwan. Ang kuwan na sinasabi ko dito ay variable. Kahit ano siya!


Kapag pinasok ni Malakas ang etits niya kay Maganda, at nilabasan si Malakas, kung wala namang problema e siyempre ang kasunod na pangyayari ay ang pagbubuntis ni Maganda. Kalaunan, magsisilang siya ng isang bata.

Ngunit bata lang ba ang nalilikha ng pagtatalik? Hindi ba lumilikha din ito ng mga hindi konkretong bagay katulad ng karanasan, ideya, at kung sa panlipunang konteksto, maaaring lumikha din ito ng: balita, tsismis, suliranin, gastos, at iba pa?

Kung meron mang uri ng tao na hanep kung makipag-sex sa kahit ano, ito ay ang manunulat. Kaya ko rin nasabi na isa akong malibog na tao (gamit ang Cosmic Copulation Theory) ay sapagkat isa rin akong manunulat. Marami akong ibang pinagkakaabalahan... kaya kong gumuhit, gumawa ng pelikula, at mamahala ng isang concert, pero kung meron akong kakayahan na pinapaboran ko kumpara sa iba, ito ay ang pagsusulat.

Ang manunulat ay palipat-lipat ng gender. Kapag dormant siya -- ibig sabihin, kapag hindi siya nagsusulat -- siya ay female. Siya ay pinepekpek ng kaniyang kapaligiran, ng samu't saring mga ideya na umiikot-ikot sa kaniyang daigdig. Makakita lamang siya ng batang nadapa sa daan -- kung ang manunulat ay tunay na mapagmasid at may kakayahan siyang bigyan ng silbi ang kahit anong ideya -- automatic na siyang napekpek!


Ideya, inspirasyon, at mga katulad na bagay -- ito ang mga unang magde-devirginize sa isang taong tumitingin sa sarili niya bilang manunulat. Kung ginang-bang ba o ano e wala na akong pakialam.

Ngunit nasa dormant stage pa lamang tayo! Umaabot ang pagiging female ng manunulat mula pag-iisip ng kung ano ang isusulat, hanggang sa proseso ng pagsusulat. Kapag developed na lahat sa diwa ng manunulat, ito ay manganganak na. Ng bata? Siyempre hinde. Magsisilang siya ng isang obra.

Kapag ipinabasa ng manunulat ang kaniyang nilikha sa mga tao, siya ngayon ay nagiging male. Siya naman ang dyumudyugdyog sa isipan ng mga tao. Minsan, gahasa pa nga, lalo na yung mga required reading sa paaralan, kasi puwersado!


Hindi lang naman manunulat ang ganito. Ang pintor ganoon din. Ang filmmaker. Pero para sa akin, ang manunulat pa rin ang pinakamagaling -- pinaka-steamy -- kung makipag-copulate.

Kaya ang payo ko, be a writer.


Dyugdyugin ang sangkatauhan!