Saturday, January 31, 2009

Eureka! I've found the "Asian" color!

Having been exposed to a lot of Asian music videos on YouTube lately, I noticed that they have a different way of color-grading their videos, which to me, looks nice. So, I wanted to imitate that kind of color. Browsing through Ash Castro's photographs, I found this picture of his nephew (?) and the color is the same as those music videos I'm talking about:


Self-studying how to achieve this kind of color using Adobe Photoshop, I was able to create the right blend, and I'm so happy, because I'm longing to use this kind of coloring to my films.

Here's an unedited pic:


Then, voila:


Then I tried it in rush in one of my videos, although it was not meticulously done:

Friday, January 16, 2009

Asexuality

Ano nga ba ang asexuality?

Ayon sa Wikipedia, Asexuality is a sexual orientation that describes individuals who do not experience sexual attraction. The use of asexuality as a human sexual orientation has been described in academic studies since the late 1970s, and a community of self-identified asexuals coalesced in the early 21st century, aided by the popularity of online communities. One commonly cited study placed the incidence rate of asexuality at 1%. Asexuality is not the same as celibacy, which is the abstention from sexual activity. Some asexuals do have sex, and most celibates are not asexual, or considered as such.

May kilala ba kayong asexual?

Ako meron. Hihihi.

Wednesday, January 7, 2009

Jason Laxamana, the Punit Filmmaker

Kamakailan lamang ay natapos na namin ang pinakahuling obra naming Kapampangan. Isa siyang short film na pinamagatang Balangingi, o Nosebleed sa Inggles, o Balinguyngoy sa Tagalog.


Kahit na isusumite namin siya sa mga upcoming na film festivals sa Maynila, ngayon pa lang ay personal na akong nawawalan ng loob dahil hindi artsy ang pelikula namin, at ang paksa niya, kahit na sinasabi ng karamihan ay fresh at bago, ay hindi yung social-realist na klase, na kadalasang pinaparangalan at kinukuha sa taunang Cinemalaya.

Kung tutuusin, socio-realist ang Balangingi na ginawang feel-good, para balanse. Ang mga Pilipinong intelektwal ay realidad sa Pilipinas, at ang kaliitan ng kanilang bilang at ang paminsan-minsang pagkalungkot nila sa pag-iisa ay nangyayari sa iilang porsyento. Inilarawan ko lang ang isang possible episode ng buhay nila.

XOO: "Masaya ka bang ganyan ka?"
APRIL: "Hindi lang masaya. Proud pa. Kung ang isang tipikal na Pilipino ay nakikita ang daigdig sa tatlong kulay, kita ko sa sandaan."

Pero gaya ng sabi ng iba, bago ang topic na ito. Wala naman tayong pakialam masyado sa mga makabagong pilosopo -- lalo na ang mga makabagong pilosopong kabataan. Ang pagkabulag natin sa realidad na naririto sila sa bansa natin ang nagbibigay ng feeling na parang mainstream na inimbento ang kuwento ng aming pelikula.

Pirat. Punit. Torn.

Ito ang sitwasyon ko sa paggawa ng pelikula. Bakit nga ba hindi parang socio-realist ang mga ginagawa kong pelikula, kagaya ng mga Brillante Mendoza na pelikula?

Sa mga nakakakilala sa akin, alam nila na nakabase ako sa Pampanga, at kinuhang adbokasya ang pagpapalago ng Kapampangan culture at identity sa pamamagitan ng pagpapalawig ng Kapampangan mass media.


Ang mga kabalen ko ay mababa pa ang art appreciation. Si Brillante Mendoza, kahit pa kaliwa't kanan ang mga naaani niyang parangal sa loob at labas ng bansa sa kanyang mga kadalasang Kapampangan-related na pelikula, hindi siya tinatangkilik sa mismong sangka-Kapampangan. Oo, tinitingalaan si Direk Dante dito ng mga iilang mataas ang baitang ng art appreciation (kagaya ko), pero ipanood mo sa mga average na tao, kundi sumasakit ang ulo nila, naiinip sa mga long take at sa mga masagisag na shot, at kapag nakakita ng puwet, iyon ang pagtutuunan nila ng pansin kaysa sa katayuan nina Gina Pareno sa Serbis.

Noong huli kong nakasaup si Direk Dante, ang sabi niya ay hindi muna siya gagawa ng pelikula. Iroronda muna niya ang mga pelikula niya sa kanyang tinubuang lupa, partikular na sa mga pamantasan, habang nagbibigay ng seminar o lecture tungkol sa paksa ng kaniyang mga pelikula at tungkol sa independent filmmaking mismo. Ganoon ang teknik niya para tumaas ang art appreciation ng mga kabalen niya.

Sa kabilang dako naman, ako. Imbes na gawin ang ginagawa ni Direk, ang ginagawa ko naman ay finu-fuse ko ang mga alternatibong istilo at kuwento at ang mga mainstream. Posible kaya?

Ang "best of both worlds" approach na ito ang nagbibigay sa akin ng dilemma. Hindi ka masyadong papansinin sa mga establisadong film scenes kagaya ng sa Maynila kasi may touch of mainstream ka. Sa probinsya naman, kahit na malamang matutuwa sila sa gawa mo, hindi ka rin masyadong mapapansin kasi wala namang mga festival-festival na ganyan sa kasalukuyan sa Central Luzon.

Kaya heto ako. Pirat. Punit. Torn.

Ngunit ang pagkapunit kong ito ang marahil magbibigay ng identidad sa aking mga likha. Malay natin. Liban pa sa kakulangan ng gamit.

Maaaring sabihin ng ibang tao: e bakit ko ba kasi iniisip ang audience ko? E kasi naman may advocacy tayo sa mga kabalen natin. Kung gagawa ako ng pelikula na di naman ine-enjoy ng mga target audience ko (na rumeresulta sa hindi nila pagtangkilik nito), ano pa ang saysay?

May ginawa na akong medyo artsy ang approach. Maganda daw siya, sabi ng mga nakakapanood. Pero noong ini-screen ko 'to sa UP Diliman, may pagka-snore fest din siya, kasi walang masyadong aksyon, mabagal ang pace, at iba pang mga kadahilanan.


Post ko dito one time yung pelikulang iyon at kayo ang humusga.

Friday, January 2, 2009

Repressed ba ang Intellect mo?


Ang mga tokador (closet) na bakla at tomboy, repressed ang kanilang sekswalidad. Ang mga nagsasalita ng Kapampangan sa iskuela noong kapanahunan ko, repressed ang kanilang sariling dila dahil ipinagbabawal.

May isang repression na madalang maranasan ng mga sentido -- ang repression ng katalinuhan. Intellectual repression.

Ito ay kapag pinipilit o napipilitan kang itago o i-tone down ang katalinuhan mo kapag kasama mo ang ibang mga tao, kasi hindi ka nila nage-gets madalas. Habang gusto mong magsimula ng usapin tungkol sa globalisasyon o sa pagiging hindi planeta ng Pluto, ang mga kasama mo, gusto nilang pag-usapan yung almusal nila o yung latest na tsinelas.

May mga panahon din tingin mo kaya mo pang mas maging elaborate sa pag-express ng sarili mo, ngunit dahil baka hindi ka naman maintindihan, isinasarili mo na lang. So, parang puwersado kang itago ang tunay na pagkatao mo.

Di ba nga, ayaw ng mga Pilipino ngayon ang mga Pilosopo? Ibig sabihin nun philosopher. Bakit negatibo ang kahulugan sa atin?

Ito ang paksa ng latest short film kong pinamagatan kong Balangingi, isang salitang Kapampangan na ang ibig sabihin ay "Nosebleed." Balinguyngoy sa Tagalog. Epistaxis sa medical na daigdig.

Heto ang synopsis:

Xoo seems to be a standard teenager who lives boringly like everyone else, but unknown to people in his surroundings is what happens in his head--philosophizing about things average people would deem mundane, down to the minutest detail. One day, he is forced to attend a blind date. To avoid turning off his date, he struggles to suppress his intellectual side.

This short film gives a peek to that minority in Philippine society who are unlikely to survive socially by being themselves--the Filipino intellectuals. Or as laymen would call them: Nerds! As parents call them: Pilosopo!










Thursday, January 1, 2009

The Art of Collapse

Isa itong tula na spontaneous ko lang isusulat. Sana may mapulot kayo.

The Art of Collapse

I see not a boy
I see not a girl
But a human being

I see not a dog
I see not an ivy
But a living creature

I see not concrete
I see not abstract
But a piece of idea

I hear no music
I hear no noise
But sound

I see not a kid
I see not an elder
But a person

I read no word
I read no pictograph
But a message

I worship not God
I worship not man
But totality