Alam ng mga taong malapit sa akin na sinusumpa ko ang mga hindi tumutupad ng pangako. Level 2 kong sinusumpa ang mga taong hindi nila alam na hindi sila tumutupad ng pangako. At sukdulan naman ang hinanakit ko sa mga taong nagkukunwaring hindi nila alam na hindi sila tumutupad ng pangako.
Ano ba ang sanhi ng pagbibitiw ng pangako ng tao?
Simple lang. Upang maka-please ng kausap. Kasi kapag hindi ka nangako, mag-aalangan ang tao sayo.
Ako, palagi ako nagpapakatotoo. Kapag nangako ako, tutuparin ko. Kapag ayaw ko ang bagay na gustong ipapangako sa akin, hindi ako mangangako. Kapag nangako ako at along the way, napagtanto kong hindi ko kayang tuparin, sasabihin ko kaagad at kung ano ang dahilan.
Ang dami-daming halimbawa ng paninira ng pangako.
Filipino Time. Ang pag-oo sa itinakdang call time ngunit darating ng lampas tatlumpung minuto na walang pasabi. Insensitive ang mga taong mahilig mahuli sa fact na nakakapagod maghintay. Nakaka-oily ng face. Mas nakakamuhi ang mga taong kapag tinanong mo sa text kung saan na, sasabihin na malapit na, o 5 minutes na lang, para lang mapahinga ang galit mo, pero sa totoo, paalis pa lang sila ng bahay.
Paglalahad ng Prinsipyo. Minsan, ang hilig nating magbitiw ng mga mabibigat na prinsipyo. Na kahit anong mangyari paninindigan natin ang ganito. Pati simpleng paniniwala sa turo ni Rizal o ni Kristo o ni Siddharta o kung sino pa iyan, pero hindi pina-practice ang turo, considered sa akin iyon biglang paninira ng pangako.
Ako, maprinsipyo akong tao. Kung titignan mo ang kanang braso ko, may mga peklat. Emo ba ako? Hindi. Kaya kong parusahan ang sarili ko kapag nilalabag ko ang prinsipyo ko. Hindi emo iyon. Nagkataon lang na kagaya siya ng istilo ng mga emo. Kung gusto mong malaman kung ano ang sanhi ng pag-ano ko sa sarili ko, kilalanin mo muna ako ng mabuti.
Pag-ako ng Toka. Ito ang pinakamahirap. Halimbawa may groupwork. At mag-aako ka ng trabaho para magmukha kang may silbi. Pero at the end of the day, hindi mo gagawin, dulot ng iba't ibang bagay. Ako, okey lang sa akin kung ang groupmate ay biglang may ibang commitment, rendering him incapable of doing his task. Pero sana naman siya na ang maghanap ng paraan kung paano niya sosolusyonan iyon. Kaysa sa iiwan mo na lang ang problema sa grupo, habang ikaw ay, malamang, nagwi-window shopping lang kasama ng iyong honeybunch.
Ikaw, naninira ka ba ng pangako?
Tuesday, December 30, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
tama! nakaka oily ng face!
Post a Comment