Kamakailan lamang ay natapos na namin ang pinakahuling obra naming Kapampangan. Isa siyang short film na pinamagatang Balangingi, o Nosebleed sa Inggles, o Balinguyngoy sa Tagalog.
Kahit na isusumite namin siya sa mga upcoming na film festivals sa Maynila, ngayon pa lang ay personal na akong nawawalan ng loob dahil hindi artsy ang pelikula namin, at ang paksa niya, kahit na sinasabi ng karamihan ay fresh at bago, ay hindi yung social-realist na klase, na kadalasang pinaparangalan at kinukuha sa taunang Cinemalaya.
Kung tutuusin, socio-realist ang Balangingi na ginawang feel-good, para balanse. Ang mga Pilipinong intelektwal ay realidad sa Pilipinas, at ang kaliitan ng kanilang bilang at ang paminsan-minsang pagkalungkot nila sa pag-iisa ay nangyayari sa iilang porsyento. Inilarawan ko lang ang isang possible episode ng buhay nila.
XOO: "Masaya ka bang ganyan ka?"
APRIL: "Hindi lang masaya. Proud pa. Kung ang isang tipikal na Pilipino ay nakikita ang daigdig sa tatlong kulay, kita ko sa sandaan."
Pero gaya ng sabi ng iba, bago ang topic na ito. Wala naman tayong pakialam masyado sa mga makabagong pilosopo -- lalo na ang mga makabagong pilosopong kabataan. Ang pagkabulag natin sa realidad na naririto sila sa bansa natin ang nagbibigay ng feeling na parang mainstream na inimbento ang kuwento ng aming pelikula.
Pirat. Punit. Torn.
Ito ang sitwasyon ko sa paggawa ng pelikula. Bakit nga ba hindi parang socio-realist ang mga ginagawa kong pelikula, kagaya ng mga Brillante Mendoza na pelikula?
Sa mga nakakakilala sa akin, alam nila na nakabase ako sa Pampanga, at kinuhang adbokasya ang pagpapalago ng Kapampangan culture at identity sa pamamagitan ng pagpapalawig ng Kapampangan mass media.
Ang mga kabalen ko ay mababa pa ang art appreciation. Si Brillante Mendoza, kahit pa kaliwa't kanan ang mga naaani niyang parangal sa loob at labas ng bansa sa kanyang mga kadalasang Kapampangan-related na pelikula, hindi siya tinatangkilik sa mismong sangka-Kapampangan. Oo, tinitingalaan si Direk Dante dito ng mga iilang mataas ang baitang ng art appreciation (kagaya ko), pero ipanood mo sa mga average na tao, kundi sumasakit ang ulo nila, naiinip sa mga long take at sa mga masagisag na shot, at kapag nakakita ng puwet, iyon ang pagtutuunan nila ng pansin kaysa sa katayuan nina Gina Pareno sa Serbis.
Noong huli kong nakasaup si Direk Dante, ang sabi niya ay hindi muna siya gagawa ng pelikula. Iroronda muna niya ang mga pelikula niya sa kanyang tinubuang lupa, partikular na sa mga pamantasan, habang nagbibigay ng seminar o lecture tungkol sa paksa ng kaniyang mga pelikula at tungkol sa independent filmmaking mismo. Ganoon ang teknik niya para tumaas ang art appreciation ng mga kabalen niya.
Sa kabilang dako naman, ako. Imbes na gawin ang ginagawa ni Direk, ang ginagawa ko naman ay finu-fuse ko ang mga alternatibong istilo at kuwento at ang mga mainstream. Posible kaya?
Ang "best of both worlds" approach na ito ang nagbibigay sa akin ng dilemma. Hindi ka masyadong papansinin sa mga establisadong film scenes kagaya ng sa Maynila kasi may touch of mainstream ka. Sa probinsya naman, kahit na malamang matutuwa sila sa gawa mo, hindi ka rin masyadong mapapansin kasi wala namang mga festival-festival na ganyan sa kasalukuyan sa Central Luzon.
Kaya heto ako. Pirat. Punit. Torn.
Ngunit ang pagkapunit kong ito ang marahil magbibigay ng identidad sa aking mga likha. Malay natin. Liban pa sa kakulangan ng gamit.
Maaaring sabihin ng ibang tao: e bakit ko ba kasi iniisip ang audience ko? E kasi naman may advocacy tayo sa mga kabalen natin. Kung gagawa ako ng pelikula na di naman ine-enjoy ng mga target audience ko (na rumeresulta sa hindi nila pagtangkilik nito), ano pa ang saysay?
May ginawa na akong medyo artsy ang approach. Maganda daw siya, sabi ng mga nakakapanood. Pero noong ini-screen ko 'to sa UP Diliman, may pagka-snore fest din siya, kasi walang masyadong aksyon, mabagal ang pace, at iba pang mga kadahilanan.
Post ko dito one time yung pelikulang iyon at kayo ang humusga.
Wednesday, January 7, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment