Friday, January 2, 2009
Repressed ba ang Intellect mo?
Ang mga tokador (closet) na bakla at tomboy, repressed ang kanilang sekswalidad. Ang mga nagsasalita ng Kapampangan sa iskuela noong kapanahunan ko, repressed ang kanilang sariling dila dahil ipinagbabawal.
May isang repression na madalang maranasan ng mga sentido -- ang repression ng katalinuhan. Intellectual repression.
Ito ay kapag pinipilit o napipilitan kang itago o i-tone down ang katalinuhan mo kapag kasama mo ang ibang mga tao, kasi hindi ka nila nage-gets madalas. Habang gusto mong magsimula ng usapin tungkol sa globalisasyon o sa pagiging hindi planeta ng Pluto, ang mga kasama mo, gusto nilang pag-usapan yung almusal nila o yung latest na tsinelas.
May mga panahon din tingin mo kaya mo pang mas maging elaborate sa pag-express ng sarili mo, ngunit dahil baka hindi ka naman maintindihan, isinasarili mo na lang. So, parang puwersado kang itago ang tunay na pagkatao mo.
Di ba nga, ayaw ng mga Pilipino ngayon ang mga Pilosopo? Ibig sabihin nun philosopher. Bakit negatibo ang kahulugan sa atin?
Ito ang paksa ng latest short film kong pinamagatan kong Balangingi, isang salitang Kapampangan na ang ibig sabihin ay "Nosebleed." Balinguyngoy sa Tagalog. Epistaxis sa medical na daigdig.
Heto ang synopsis:
Xoo seems to be a standard teenager who lives boringly like everyone else, but unknown to people in his surroundings is what happens in his head--philosophizing about things average people would deem mundane, down to the minutest detail. One day, he is forced to attend a blind date. To avoid turning off his date, he struggles to suppress his intellectual side.
This short film gives a peek to that minority in Philippine society who are unlikely to survive socially by being themselves--the Filipino intellectuals. Or as laymen would call them: Nerds! As parents call them: Pilosopo!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment