Parehong nakakatuwa at nakakalungkot isipin na nandirito ako ngayon sa katayuan kong ito. Parang lalo kong mas nare-realize ang Butterfly Effect na tinatawag nila.
Pag-isipan mo: kung pinanganak akong, halimbawa, guwapo, maaaring iba ang pinili kong daan at iba ang career ko ngayon. Kung nagkahiwalay ang mga magulang ko noong bata ako, iba siguro ang trabaho ko ngayon. Kung hindi malabo ang mga mata ko noong bata, marahil iba ako ngayon.
Mas paliitin pa natin ang detalye. Naisip mo na bang for example, naglalakad ka sa daan... Habang naglalakad ka, may nakita kang askal na kulay brown, na nagpaalala sayo sa isang asong nakita mo sa TV na kapangalan ng isang sikat na TV host noong 1995? At dahil sa kapiranggot na ala-alang iyon, maaaring na-inspire kang maging TV host din, kaya maraming porsyento ng buhay mo, dinedicate mo para piliting maabot ang mithiing iyon?
At sabihin na nating naabot mo nga. Nakaka-overwhelm isipin ang posibilidad na, paano kung noong naglalakad ka sa daan, hindi mo nakita yung brown na askal? Instead, napabaling ang ulo mo ng kaunting degrees papunta sa kaliwa, at ang nafocusan ng mata mo sa loob ng kakaunting segundo ay isang basurahan, at naisip mo, wala lang. Pag-uwi mo ganoon din ang buhay. Ipagpapatuloy mo pa rin ang utos sayo ng mga magulang mo na dapat sa loob ng limang taon, stable ka na financially.
Di ko alam sa ibang tao, pero ako, sa wika naming mga Kapampangan, mababana ku; o kaya, maniglo ku. Na-a-amaze ako. Naglalaway ang utak ko at napapangiting mag-isa paminsan.
Naiisip ko na what if ibang section ako noong Grade 6? Ibang tao ang mga nakaklase ko, iba ang naging timpla ng mga relasyon, iba ang mga impluwensiyang nakuha ko sa paligid ko. May malaking kaibahan kaya sa buhay ko ngayon kung sakaling iyon ang nangyari?
Bawat taong nakakasalamuha ko, minsan iniisip ko na ng advance -- ano kaya ang gagampanan mong role sa buhay ko? At ano naman ang role ko sa buhay mo?
Minsan nga, kahit hindi mo kakilala. Nakita mo lang sa daan. Ang guwapo niya. Ang ganda ng katawan. Na-insecure ka. Kaya pagkauwi mo, sinabi mo sa sarili mo: gusto kong mag-gym at maging vain. At simula noon, nagbago ang takbo ng buhay mo. At ngayon, model ka na.
At nung model ka na, napanood mo ang isang 3-minute indie film ng isang di mo kilala sa YouTube, kasi andun siya sa Related Videos nung pinanood mong preview ng isang porn site, at bigla kang nagkainteres sa filmmaking. Simula noon, nagbago ang takbo ng buhay mo.
Naniniwala ka ba sa kapalaran? Na ang mga taong nakakasalamuha mo ay mga taong nakatakdang matagpuan mo? Ang sarap paniwalaing oo, nakatakda, pero paano kung hindi?
Sa mga nakabasa nito, isipin niyo: maaari kayang iba ang magiging kinabukasan niyo kung hindi niyo nabasa ito?
Monday, December 29, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
cguro pansamantalang magbabago ang kinabukasan ko kung hindi ko ito nabasa. sabihin natin na may mga ilang dapat mangyari sa buhay mo ang hindi matutuloy at mauuwi sa ibang bagay. Pero sa tingin ko ung mga long term goal minsan naroroon pa rin yun. Kung may focus talaga ang isang tao sa mga bagay na gusto nyang gawin cguro hindi rin natin masasabi na magbabago ang buhay mo o ang kinabukasan ng isang tao kung may ginawa kang isang bagay na hindi mo naman dapat sana gagawin.
hmm.. pano kung ang selective attention ko ay natuon dun sa picture na ginamit mo sa sinundan na blog entry? pipilitin ko kayang maging porn star?
Post a Comment