Sex o suntok?
Jakol o jombag?
Ano ang mas nakakapinsala sa lipunan? Ang malaman ng mga tao kung paano makipag-sex, o ang mabatid ng mga tao kung paano bugbugin ang iba?
Siyempre, ang pambubugbog! Violence iyon, at ano mang uri ng violence ay nakagigimbal. Ngunit bakit mas ipinagbabawal pa ang mga sexy at may pagkamalaswang eksena imbes na ipagbawal ang pagpapakita ng karahasan sa media?
Ngunit, kung mayroon talagang dapat i-censor sa kahit anong uri ng media, ayon nga sa isa kong guro sa UP, ito ay ang kabobohan at kagaguhan.
Stupidity. (bigkasing is-choo-pee-di-tee)
Nakakapinsala ito sa indibidwal, sa kaniyang pamilya, sa lipunang kaniyang ginagawalan. Kabobohan ang isang malaking dahilan kung bakit ang hirap makaahon ng Pilipino sa lugmok ng blah blah blah. Kapurulan ng pag-iisip ang isang sanhi ng blah blah blah.
Tiyak ko alam niyo na kung ano yung mga blah na iyon, nakakairita nang ulit-ulitin.
At hindi porke nakatapos ka ng pag-aaral hindi ka na bobo. Maraming "wala lang" na tao ang nakatapos ng pag-aaral. Mga "normal" na tao. Mga taong pumapasok dahil sabi ni Nanay at ni Charice Pempengco ayusin ang pag-aaral at dapat mataas ang grades.
Mga taong hanggang pakikinig lamang ng musika ang kaya. Ayaw subukang gumawa ng sariling musika.
Mga taong sumasama sa usong sayaw. Hindi kayang mag-isip ng sariling sayaw.
Mga taong hinahapagan lamang ng pagkain. Takot magluto ng sariling putahi.
Kung di mo gets iyon, at di mo inusisa kung ano ang ibig sabihin, ikaw ay dapat i-censor sa kalawakan.
Kung itatanong mo (kahit self-inquiry lang ba), aprub ka!
Kaya kung sa tingin niyo maayos ang sistema ng censorship dito sa Pilipinas, kung saan bawal ipakita ang utong pero okey lang na ipakita ang pagsasaboy ng asido sa mukha ni Tanya Garcia sa "Sana Ay Ikaw Na Nga," aba'y think again!
Trivia: si Tanya Garcia ang gumanap na Paloma sa fantaserye, este telefantasyang Mulawin. Nagiging kalapati siya doon.
Thursday, June 19, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment