Sunday, June 8, 2008

Cosmic Copulation at ang Manunulat

Malibog akong tao. Green-minded. Sa wika naming mga Kapampangan, malibi. Kahit tinapay, kaya kong bigyan ng kahulugan na siguradong ise-censor ni Laguardia.

Sex, sex, sex!!! Sex is everywhere!

Pinapaniwalaan kong ang lahat ng bagay ay nagdyudyugdyugan. Ito ang nagpapasulong sa daloy ng kapalaran, ang nagpapaikot ng mundo, ang nagpapaprogreso ng buhay, at iba pa. Cosmic Copulation, sabi ko nga.

Sa lahat ng sitwasyon, may male na nanghihimasok sa teritoryo ng female upang lamnan ito ng kuwan. Sa prosesong ito, may nalilikhang bagong kuwan. Ang kuwan na sinasabi ko dito ay variable. Kahit ano siya!


Kapag pinasok ni Malakas ang etits niya kay Maganda, at nilabasan si Malakas, kung wala namang problema e siyempre ang kasunod na pangyayari ay ang pagbubuntis ni Maganda. Kalaunan, magsisilang siya ng isang bata.

Ngunit bata lang ba ang nalilikha ng pagtatalik? Hindi ba lumilikha din ito ng mga hindi konkretong bagay katulad ng karanasan, ideya, at kung sa panlipunang konteksto, maaaring lumikha din ito ng: balita, tsismis, suliranin, gastos, at iba pa?

Kung meron mang uri ng tao na hanep kung makipag-sex sa kahit ano, ito ay ang manunulat. Kaya ko rin nasabi na isa akong malibog na tao (gamit ang Cosmic Copulation Theory) ay sapagkat isa rin akong manunulat. Marami akong ibang pinagkakaabalahan... kaya kong gumuhit, gumawa ng pelikula, at mamahala ng isang concert, pero kung meron akong kakayahan na pinapaboran ko kumpara sa iba, ito ay ang pagsusulat.

Ang manunulat ay palipat-lipat ng gender. Kapag dormant siya -- ibig sabihin, kapag hindi siya nagsusulat -- siya ay female. Siya ay pinepekpek ng kaniyang kapaligiran, ng samu't saring mga ideya na umiikot-ikot sa kaniyang daigdig. Makakita lamang siya ng batang nadapa sa daan -- kung ang manunulat ay tunay na mapagmasid at may kakayahan siyang bigyan ng silbi ang kahit anong ideya -- automatic na siyang napekpek!


Ideya, inspirasyon, at mga katulad na bagay -- ito ang mga unang magde-devirginize sa isang taong tumitingin sa sarili niya bilang manunulat. Kung ginang-bang ba o ano e wala na akong pakialam.

Ngunit nasa dormant stage pa lamang tayo! Umaabot ang pagiging female ng manunulat mula pag-iisip ng kung ano ang isusulat, hanggang sa proseso ng pagsusulat. Kapag developed na lahat sa diwa ng manunulat, ito ay manganganak na. Ng bata? Siyempre hinde. Magsisilang siya ng isang obra.

Kapag ipinabasa ng manunulat ang kaniyang nilikha sa mga tao, siya ngayon ay nagiging male. Siya naman ang dyumudyugdyog sa isipan ng mga tao. Minsan, gahasa pa nga, lalo na yung mga required reading sa paaralan, kasi puwersado!


Hindi lang naman manunulat ang ganito. Ang pintor ganoon din. Ang filmmaker. Pero para sa akin, ang manunulat pa rin ang pinakamagaling -- pinaka-steamy -- kung makipag-copulate.

Kaya ang payo ko, be a writer.


Dyugdyugin ang sangkatauhan!

2 comments:

Anonymous said...

yippee...
first comment sa new blog mo.
dagdag naman to sa blog list ko.

keep it up!

jiMboy said...

ayos. You're a one true writer. Kasi sakin hobby lang ang pagsusulat. So hindi ku alam ang mga bagay na iyan. Alam ku man, di ku din nabibigyang pansin basta nakakapgsulat ako at naihahayag ang damdamin. Syempre, mayroon din akong mga palatuntunan na sinusunod sa aking sarili upang maging kabasa-basa at interesado ang mga isinusulat ko.

Mabuhay!!!