Wednesday, June 11, 2008

Kung Ako Ikaw: Callboy Edition (Part 1)

May bahagi ng salaysay na ito ang piksyon. Aling bahagi? Maselang bahagi... AKA secreeeet! Hehehe. (Disclose ko pag may terminal illness na ako -- malamang lung cancer kakayosi?)

Siguro sa nakaraang buhay ko, dolphin ako. Kasi sa Kingdom Animalia daw, tanging mga tao at dolphin lamang ang may kakayahan na ilagay ang sarili sa sapatos (perspektibo) ng iba. Koneksyon? Wala lang. Pero at least may natutunan ka tungkol sa mga dolphin.

Brought to you by Lagsh.

Ngayon, may tanong ako.

Nasubukan mo na bang mag-callboy ng kahit isang gabi lang? Hindi magrenta ng callboy ah. Yung tatambay ka sa kalye sa kalagitnaan ng gabi at maghihintay ng sasakyan o indibidwal na darating para yayain kang "gumimik" kapalit ng salapi?

Ako, oo. Hindi dahil kailangan ko ng pera. Kundi dahil ganoon ako ka-adventure na manunulat. Naghahanap kasi ako ng material noon para makapagsulat ng stage musical, kung saan ang setting ay isang waiting shed. Kapag gabi sa kuwento, ang mga tauhan ay mga kalye prosti na nagpapa-pickup sa shed.

Gamit ang aking Cosmic Copulation Principle, kailangan kong "makipagtalik" sa isang pangyayari upang makapagsilang ako ng bagong likha, o kaya nama'y upang madisenyuhan ng makatotohanang detalye ang aking obra.
Ba't di na lang ako makipanayam sa isang callboy, ika niyo? Iba pa rin kapag ikaw ang sumubok. Parang tinanong mo na rin ang prodyuser ng palabas na Interns o kaya Kung Ako Ikaw, "Bakit hindi na lang kayo mag-interview ng mga aktwal na trabahador sa kung ano man iyan, kaysa pinapa-immerse niyo pa ang mga hinayupak na artistang mga iyan?"

Mahilig kasi ako sa showbiz e. Puwedeng gamitin upang manipulahin ang pag-iisip ng madla (world domination kasi ang long-term goal ko).

Bilang estudyante sa UP Diliman (na palaging gabi kung umuwi, galing ng The Block, dulot ng global warming sa tinutuluyan ko), palagi kong nakikita itong mga callboy na nakatambay doon sa may papasok ng UP Village (tabi ng National Housing).

At naisip ko, paano kaya ang buhay ng mga letseng iyon?

Pogi pa noon ako (di tulad ngayon), kaya may lakas loob akong subukan ng isang gabi ang buhay callboy. So naligo ako, nagbihis, nagpapogi, nag-stick up ng buhok, nagsuot ng itim na baro, at sinuot ang kulay abo kong jacket. Pumunta ako dun sa waiting shed ng National Housing. Hindi ako nagdala ng cellphone o ng maraming pera (isang daan lang ang dinala ko), for safety purposes. Mahirap na.


May nadatnan akong isang callboy. Obvious sa gayak -- naka-itim na sando atsaka jeans. Simple lang. Parang boy ng isang boy-next-door ang mukha, di naman kagandahan ang katawan.

Nagkatinginan kami. Ang kakaiba sa tingin ng mga callboy, parang may mensahe kaagad. Telepathic at piercing ang tingin.

At dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Nagtanong ng oras. Sabi ko di ko alam, kasi wala akong orasan. Tinanong niya ako kung gusto kong gumimik. Akala niya pini-pick up ko siya! Kaya dineretso ko siya.

"Pare, first time kong mag-callboy."

to be continude, este continued...