Friday, January 2, 2009

Repressed ba ang Intellect mo?


Ang mga tokador (closet) na bakla at tomboy, repressed ang kanilang sekswalidad. Ang mga nagsasalita ng Kapampangan sa iskuela noong kapanahunan ko, repressed ang kanilang sariling dila dahil ipinagbabawal.

May isang repression na madalang maranasan ng mga sentido -- ang repression ng katalinuhan. Intellectual repression.

Ito ay kapag pinipilit o napipilitan kang itago o i-tone down ang katalinuhan mo kapag kasama mo ang ibang mga tao, kasi hindi ka nila nage-gets madalas. Habang gusto mong magsimula ng usapin tungkol sa globalisasyon o sa pagiging hindi planeta ng Pluto, ang mga kasama mo, gusto nilang pag-usapan yung almusal nila o yung latest na tsinelas.

May mga panahon din tingin mo kaya mo pang mas maging elaborate sa pag-express ng sarili mo, ngunit dahil baka hindi ka naman maintindihan, isinasarili mo na lang. So, parang puwersado kang itago ang tunay na pagkatao mo.

Di ba nga, ayaw ng mga Pilipino ngayon ang mga Pilosopo? Ibig sabihin nun philosopher. Bakit negatibo ang kahulugan sa atin?

Ito ang paksa ng latest short film kong pinamagatan kong Balangingi, isang salitang Kapampangan na ang ibig sabihin ay "Nosebleed." Balinguyngoy sa Tagalog. Epistaxis sa medical na daigdig.

Heto ang synopsis:

Xoo seems to be a standard teenager who lives boringly like everyone else, but unknown to people in his surroundings is what happens in his head--philosophizing about things average people would deem mundane, down to the minutest detail. One day, he is forced to attend a blind date. To avoid turning off his date, he struggles to suppress his intellectual side.

This short film gives a peek to that minority in Philippine society who are unlikely to survive socially by being themselves--the Filipino intellectuals. Or as laymen would call them: Nerds! As parents call them: Pilosopo!










Thursday, January 1, 2009

The Art of Collapse

Isa itong tula na spontaneous ko lang isusulat. Sana may mapulot kayo.

The Art of Collapse

I see not a boy
I see not a girl
But a human being

I see not a dog
I see not an ivy
But a living creature

I see not concrete
I see not abstract
But a piece of idea

I hear no music
I hear no noise
But sound

I see not a kid
I see not an elder
But a person

I read no word
I read no pictograph
But a message

I worship not God
I worship not man
But totality

Tuesday, December 30, 2008

Panira ng Pangako

Alam ng mga taong malapit sa akin na sinusumpa ko ang mga hindi tumutupad ng pangako. Level 2 kong sinusumpa ang mga taong hindi nila alam na hindi sila tumutupad ng pangako. At sukdulan naman ang hinanakit ko sa mga taong nagkukunwaring hindi nila alam na hindi sila tumutupad ng pangako.

Ano ba ang sanhi ng pagbibitiw ng pangako ng tao?

Simple lang. Upang maka-please ng kausap. Kasi kapag hindi ka nangako, mag-aalangan ang tao sayo.

Ako, palagi ako nagpapakatotoo. Kapag nangako ako, tutuparin ko. Kapag ayaw ko ang bagay na gustong ipapangako sa akin, hindi ako mangangako. Kapag nangako ako at along the way, napagtanto kong hindi ko kayang tuparin, sasabihin ko kaagad at kung ano ang dahilan.

Ang dami-daming halimbawa ng paninira ng pangako.

Filipino Time. Ang pag-oo sa itinakdang call time ngunit darating ng lampas tatlumpung minuto na walang pasabi. Insensitive ang mga taong mahilig mahuli sa fact na nakakapagod maghintay. Nakaka-oily ng face. Mas nakakamuhi ang mga taong kapag tinanong mo sa text kung saan na, sasabihin na malapit na, o 5 minutes na lang, para lang mapahinga ang galit mo, pero sa totoo, paalis pa lang sila ng bahay.

Paglalahad ng Prinsipyo. Minsan, ang hilig nating magbitiw ng mga mabibigat na prinsipyo. Na kahit anong mangyari paninindigan natin ang ganito. Pati simpleng paniniwala sa turo ni Rizal o ni Kristo o ni Siddharta o kung sino pa iyan, pero hindi pina-practice ang turo, considered sa akin iyon biglang paninira ng pangako.

Ako, maprinsipyo akong tao. Kung titignan mo ang kanang braso ko, may mga peklat. Emo ba ako? Hindi. Kaya kong parusahan ang sarili ko kapag nilalabag ko ang prinsipyo ko. Hindi emo iyon. Nagkataon lang na kagaya siya ng istilo ng mga emo. Kung gusto mong malaman kung ano ang sanhi ng pag-ano ko sa sarili ko, kilalanin mo muna ako ng mabuti.

Pag-ako ng Toka. Ito ang pinakamahirap. Halimbawa may groupwork. At mag-aako ka ng trabaho para magmukha kang may silbi. Pero at the end of the day, hindi mo gagawin, dulot ng iba't ibang bagay. Ako, okey lang sa akin kung ang groupmate ay biglang may ibang commitment, rendering him incapable of doing his task. Pero sana naman siya na ang maghanap ng paraan kung paano niya sosolusyonan iyon. Kaysa sa iiwan mo na lang ang problema sa grupo, habang ikaw ay, malamang, nagwi-window shopping lang kasama ng iyong honeybunch.

Ikaw, naninira ka ba ng pangako?

Monday, December 29, 2008

Kinabukasan pre, kinabukasan

Parehong nakakatuwa at nakakalungkot isipin na nandirito ako ngayon sa katayuan kong ito. Parang lalo kong mas nare-realize ang Butterfly Effect na tinatawag nila.

Pag-isipan mo: kung pinanganak akong, halimbawa, guwapo, maaaring iba ang pinili kong daan at iba ang career ko ngayon. Kung nagkahiwalay ang mga magulang ko noong bata ako, iba siguro ang trabaho ko ngayon. Kung hindi malabo ang mga mata ko noong bata, marahil iba ako ngayon.

Mas paliitin pa natin ang detalye. Naisip mo na bang for example, naglalakad ka sa daan... Habang naglalakad ka, may nakita kang askal na kulay brown, na nagpaalala sayo sa isang asong nakita mo sa TV na kapangalan ng isang sikat na TV host noong 1995? At dahil sa kapiranggot na ala-alang iyon, maaaring na-inspire kang maging TV host din, kaya maraming porsyento ng buhay mo, dinedicate mo para piliting maabot ang mithiing iyon?

At sabihin na nating naabot mo nga. Nakaka-overwhelm isipin ang posibilidad na, paano kung noong naglalakad ka sa daan, hindi mo nakita yung brown na askal? Instead, napabaling ang ulo mo ng kaunting degrees papunta sa kaliwa, at ang nafocusan ng mata mo sa loob ng kakaunting segundo ay isang basurahan, at naisip mo, wala lang. Pag-uwi mo ganoon din ang buhay. Ipagpapatuloy mo pa rin ang utos sayo ng mga magulang mo na dapat sa loob ng limang taon, stable ka na financially.

Di ko alam sa ibang tao, pero ako, sa wika naming mga Kapampangan, mababana ku; o kaya, maniglo ku. Na-a-amaze ako. Naglalaway ang utak ko at napapangiting mag-isa paminsan.

Naiisip ko na what if ibang section ako noong Grade 6? Ibang tao ang mga nakaklase ko, iba ang naging timpla ng mga relasyon, iba ang mga impluwensiyang nakuha ko sa paligid ko. May malaking kaibahan kaya sa buhay ko ngayon kung sakaling iyon ang nangyari?

Bawat taong nakakasalamuha ko, minsan iniisip ko na ng advance -- ano kaya ang gagampanan mong role sa buhay ko? At ano naman ang role ko sa buhay mo?

Minsan nga, kahit hindi mo kakilala. Nakita mo lang sa daan. Ang guwapo niya. Ang ganda ng katawan. Na-insecure ka. Kaya pagkauwi mo, sinabi mo sa sarili mo: gusto kong mag-gym at maging vain. At simula noon, nagbago ang takbo ng buhay mo. At ngayon, model ka na.

At nung model ka na, napanood mo ang isang 3-minute indie film ng isang di mo kilala sa YouTube, kasi andun siya sa Related Videos nung pinanood mong preview ng isang porn site, at bigla kang nagkainteres sa filmmaking. Simula noon, nagbago ang takbo ng buhay mo.

Naniniwala ka ba sa kapalaran? Na ang mga taong nakakasalamuha mo ay mga taong nakatakdang matagpuan mo? Ang sarap paniwalaing oo, nakatakda, pero paano kung hindi?

Sa mga nakabasa nito, isipin niyo: maaari kayang iba ang magiging kinabukasan niyo kung hindi niyo nabasa ito?

Thursday, June 19, 2008

Dyugdyog o Bugbog?

Sex o suntok?

Jakol o jombag?


Ano ang mas nakakapinsala sa lipunan? Ang malaman ng mga tao kung paano makipag-sex, o ang mabatid ng mga tao kung paano bugbugin ang iba?

Siyempre, ang pambubugbog! Violence iyon, at ano mang uri ng violence ay nakagigimbal. Ngunit bakit mas ipinagbabawal pa ang mga sexy at may pagkamalaswang eksena imbes na ipagbawal ang pagpapakita ng karahasan sa media?


Ngunit, kung mayroon talagang dapat i-censor sa kahit anong uri ng media, ayon nga sa isa kong guro sa UP, ito ay ang kabobohan at kagaguhan.

Stupidity. (bigkasing is-choo-pee-di-tee)

Nakakapinsala ito sa indibidwal, sa kaniyang pamilya, sa lipunang kaniyang ginagawalan. Kabobohan ang isang malaking dahilan kung bakit ang hirap makaahon ng Pilipino sa lugmok ng blah blah blah. Kapurulan ng pag-iisip ang isang sanhi ng blah blah blah.

Tiyak ko alam niyo na kung ano yung mga blah na iyon, nakakairita nang ulit-ulitin.

At hindi porke nakatapos ka ng pag-aaral hindi ka na bobo. Maraming "wala lang" na tao ang nakatapos ng pag-aaral. Mga "normal" na tao. Mga taong pumapasok dahil sabi ni Nanay at ni Charice Pempengco ayusin ang pag-aaral at dapat mataas ang grades.

Mga taong hanggang pakikinig lamang ng musika ang kaya. Ayaw subukang gumawa ng sariling musika.

Mga taong sumasama sa usong sayaw. Hindi kayang mag-isip ng sariling sayaw.

Mga taong hinahapagan lamang ng pagkain. Takot magluto ng sariling putahi.

Kung di mo gets iyon, at di mo inusisa kung ano ang ibig sabihin, ikaw ay dapat i-censor sa kalawakan.

Kung itatanong mo (kahit self-inquiry lang ba), aprub ka!


Kaya kung sa tingin niyo maayos ang sistema ng censorship dito sa Pilipinas, kung saan bawal ipakita ang utong pero okey lang na ipakita ang pagsasaboy ng asido sa mukha ni Tanya Garcia sa "Sana Ay Ikaw Na Nga," aba'y think again!


Trivia: si Tanya Garcia ang gumanap na Paloma sa fantaserye, este telefantasyang Mulawin. Nagiging kalapati siya doon.