Katulad ng pag-aararo ng bukid, ang paglikha ng sining ay tunay na isang sex act. Ngunit kagaya sa sex, maaaring magkaroon ng inequality sa kasarapan. Yung tipo bang yung isa lang ang may effort at nanenerbis habang ang isa ay nakahiga lang at nagpapasarap.
Sa isang e-group ng mga Kapampangang alagad ng sining, napataas ko ang kilay at presyon ng iilan nang gawin nila akong "Artist of the Month." Doon kasi sa Artist's Statement ko, ang inilagay ko ay:
There are two types of artists: those who make love with their audience, and those who merely masturbate in front of them.
Riot! Siyempre marami akong tatamaan. Marami kasing artist, art for art's sake ang kanilang layunin sa paglikha. Ang art naman para sa akin ay isang instrumento para makapagpadala ng mensahe sa lipunan sa kadahilanang may gusto akong baguhin. May social function kumbaga.
Paano papansinin ng karamihan ng mga tao ang gawa ko kung sobrang artsy at obscure ng gawa ko? Sa larangan ng literatura, kung sobrang hebigats ng aking pananalita at sobrang seryoso ng aking approach?
Kung iyon ang mga type kong approach, not taking into account yung literasya ng aking mga mambabasa at ang interes nila, tila nagdyadyakol lamang ako noon. Nagpapasarap, habang hinahayaan ang mga interesado na panoorin ako kung gusto nila. Yung gustong manggalaw naman sa akin, puwede siguro, pero di ako magre-reciprocate.
Sining bilang lovemaking -- easy to read, interesting, entertaining, at kahit patago siguro, educational. Noong kolumnista pa ako sa Peyups.com, ito ang gumagabay na prinsipyo sa aking pagsusulat. At sa mga proyekto ko para sa Kapampangan ngayon, ito rin ang palagi kong isinasaisip.
Ngunit bakit ang mga artist na tine-take into account ang kagustuhan ng mga tao, sila ang binibigyan ng masamang imahe sa daigdig ng sining? Mga sellout. Mga "pokpok" ng sining. Mga "commercialized" at iba pa. Kadalasan pa nga, hindi sila tinatawag na artist!
Di ba hindi patas?
Monday, June 9, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
sabi ko na. familiar ang name mo. ikaw nga yung sa peyups.com =)
nice insight. napaisip ako doon at totoo nga ang sinabi mo. =)
whoa. i'm no artist but yeah u have a point. :D
magaling!
tamang tama ang punto mo.
aaminin ko madalas paladyakol ang nagagawa kong pagsusulat, pero ngayon naisip ko na mas masarap padin ang tunay na pakikipgaromansa kaysa pagsasariling sikap.
truelala! :D di man ako artist, i get ur point. niceeee.
sabi nga ni Edgar Degas, Art is vice. You don't marry it legitimately, you rape it.
so rape lang ng rape ng art. :)
Post a Comment